Biyernes, Hulyo 17, 2015

Ipinagmamalaki ko, Pilipino ako! ipinanganak at lumaki ako sapilipinas, isa rin ako sa mga naging saksi sa mga pinagdaanang kaginhawaan at kalungkutan ng ating bansang minamahal na kasaysayan na ngayon na atin ng ipamamana sa mga susunod na henerasyong parating. Pilipino ako, ipinagmamalaki ko!
Kilala ang mga pilipino sa pagiging masipag. kayod dito-kayod doon ang tema, yun bang hindi na ata alam ang salitang "pahinga". Walang sinasayang na pagkakataon ang mga pinoy kahit anong trabaho ay pinapasok kumita lamang ng salapi para sa kanilang pamilya, parang si Juan na walang kapaguran.
Isang magandang halimbawa na siguro ng katngiang ito ay ang masisipag nating mga kababayan na nangingibam bayan upang maghanap ng ikabubuhay ng kanilang pamilya, ang mga dakilang OFW Workers. Tinitiis nila ang malayo sa pamilya ng ilang araw, linggo, buwan at taon kumita lamang ng salapi para sa kanilang mga minamahal.
Sadyang ganoon nga lang talaga siguro ang mga Pinoy, mapagsakripisyo at matiisin. Lumaki rin naman kasi tayo sa isang pamilyang buo at matatag na patuloy pang ginagbayan ng ating mga simbahan. Sino nga ba naman ang hindi nakaaalam na isa rin sa katangian ng Pilipino ang pagiging maka-diyos. Punong-puno nga tayo ng iba’t-ibang paniniwala at mga sagradong dasal para sa ating Lumikha, iba-iba man ang ating relihiyon ay hindi maaalis sa atin ang pagiging relihiyoso.
Opo! Relihiyoso nga tayo at magalang pa, o san ka pa? Kung ikukumpara tayo sa kape ay maihahambing tayo sa “5 in 1” at kung sa ulam naman tayo ay pakbet. Muntik ko pang malimutan, isa rin pala ang mga Pilipino sa mga natatanging tao sa mundo na nabiyayaan ng husay pagdating sa pagluluto, mayabang man kung iisipin ngunit mahirap naming magsinungaling.
Maraming katangian ang Pinoy na dapat ipagmalaki, mga katangiang natatangi sa ibang Asyano maging sa iba pang tao sa mundo. Ipinagmamalaki kong ako’y isang Asyano lalo naman ang aking pagiging Pilipino!

AKO ay Isang Pilipino, sa Isip, sa Salita, at Gawa

Ipinalalaganap ko ang pagmamahal sa wikang Pilipino sapagkat . . .
Ang mga kabatirang Pilipino ay lumalaganap lamang kung ang mga ito’y pinagtutulungang palaganapin ng mga kapwa Pilipino na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pinanggalingan, kasaysayan, at kinabukasan.
1Nais kong ipaalam na ako ay Pilipino rin at tunay na nagmamahal sa aking sariling wika.
2-      …sapagkat mayroon akong isang lahi, isang wika, isang kapatiran, at isang bansa.
3-      …sapagkat lagi kong nararamdaman na ako’y may tungkuling nararapat gampanan para sa ikasusulong ng  wikang Pilipino.
4-      …sapagkat nais kong ipagbunyi at ipagmalaki na ako ay mula sa diwang kayumanggi.
5-      …sapagkat dito ko lamang maipapakita na ako’y nakikiisa sa mga adhikaing makaPilipino.
6-      …sapagkat batid ko na Pilipino lamang ang higit na makauunawa sa kapwa niya Pilipino.
7-      …sapagkat sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa magkakaroon ng pagbabago sa aking bansa.
8-      …sapagkat naniniwala ako na ang kabatiran sa sariling wika ay pagiging makabayan.
9-      …sapagkat pinatutunayan nito na ako’y may kasaysayang natatangi at maipagmamalaki sa buong daigdig.
10-   …sapagkat nais kong malaman ng lahat kong kababayan na may mga inpormasyong tulad nito.
11-   …sapagkat ang aking mga kaibigan, kaanak, at kakilala ay makikinabang kung malalaman nila ito.
12-   …sapagkat kung ang lahat ng Pilipino ay magmamahal sa sariling wika, patuloy ang ispirito ng bayanihan saan mang sulok ng ating kapuluan at maging sa buong mundo.
13-   …sapagkat marami na ang nakalilimot at hindi maunawaan ang kahulugan ng maraming kataga sa ating wikang Pilipino.
14-   …sapagkat dito ko lamang mapapatunayan na ako’y may karapatan na tawaging Pilipino.
15-   …sapagkat naipapakilala ko na may sarili akong lahing Pilipino na lubos na nagmamahal sa akin.
16-   …sapagkat pinalalakas nito ang aking pagtitiwala sa sarili na mayroon akong pinanggalingan, pupuntahan, at mauuwian sa lahat ng sandali.
17-   …sapagkat mayroon akong mga magigiting at dakilang bayani na nakipaglaban para sa aming Kasarinlan.
18-   …sapagkat ikinagagalak ko at inaanyayahan ang lahat sa likas na kagandahan ng ating kapuluan.
19-   …sapagkat nagmamalasakit ako sa kapakanan at kaunlaran ng aking sambayanan.
20-   …sapagkat ang tagumpay ng kapwa ko Pilipino ay tagumpay ko rin. At ang kanilang kapighatian ay pagdadalamhati para sa akin.
21-   …sapagkat nais kong magkaroon ng pagbabago, kapayapaan, at kaunlaran sa aking bansa.
22-    …sapagkat kung hindi ako tutulong, sino ang makakatulong naman sa akin, kapag ako’y nangailangan ng tulong? Higit na makauunawa ang kapwa ko Pilipino kaysa banyaga na walang kabatiran sa aking bansa.
23-   …sapagkat nais kong matupad ang aking pagiging ganap na Pilipino.
24-   …sapagkat bilang Pilipino, maipapahayag ko sa wikang Pilipino kung sino ako. Hindi ko matatanggap ang pagiging Pilipino na hindi ako makapagsasalita ng sarili kong wika.
25-   …sapagkat ang marunong sa sariling katutubong wika ay higit na pinagpapala.
26-   …sapagkat magagawa kong makiharap at makipagsabayan kahit sinumang banyaga, kung marunong ako ng sariling wika. Hindi ang gumagaya, nangungopya, at nagpupumilit na maging katulad nila.
27-   …sapagkat sa anumang larangan na aking ginagawa, isang katangian ang kabatiran sa sariling wika.
28-   …sapagkat nagdudumilat ang katotohanan; sa anyo, kulay ng balat, hugis ng ilong, at punto ng aking pananalita na ako’y tunay na Pilipino.
29-   …sapagkat kahit na ako ay bawalan, takipan, itago, at supilin, lilitaw pa rin ang aking pagiging Pilipino. Kailanma’y hindi ko ito maitatatwa o maipagkakaila.
30-   …sapagkat mula sa kaibuturan ng aking puso, kaisipan, at kaluluwa, ako ay tunay na Pilipino.
31-   …sapagkat ang magmamahal lamang nang higit sa Pilipino, ay ang kapwa niya Pilipino
Kaya bilang Pilipino tumutulong ako sa pagpapalaganap ng mga katutubo at kabatirang Pilipino. At malaki ang aking paniniwala, maraming mga Pilipino kahit saan mang panig ng mundo ang nakikiisa at nagtataguyod para dito. 
SAPAGKAT may pagmamahal at pagmamalasakit sila sa pagiging PILIPINO, sa atingSAMBAYANAN, at sa bansang PILIPINAS, ang Perlas ng Silangan.
   Sakaliman ang inyong natunghayan dito ay nagkaroon ng kaunting kislot sa inyong puso o ningning sa inyong mga mata, mangyari lamang po na pindutin ang sagisag ng Twitter, Facebook, na matatagpuan sa ibaba, o dili kaya’y kopyahin ito at ipadala sa email sa inyong mga kaibigan, kaanak, o kakilala nang sa gayon ay marami ang makaalam, makaunawa, at makiisa sa dakilang layuning ito. Ang manumbalik ang ating pagmamahal sa sariling mga sining, mga tradisyon, at mga kulturang Pilipino.

Linggo, Hulyo 5, 2015

ang kahulugan nang pagiging pilipino

Ang Kahulugan ng Pagiging Pilipino ~Psych 108: Sikolohiyang Pilipino Reflection *Crammed* Paper. :| ~ Sa pulu-pulong isla ng Pilipinas sa may dakong Silangan, makikita mo ang bansang Pilipinas, ang pugad ng mga taong tinatawag na Pilipino. Kayumanggi ang kulay ng kanilang balat, maliit at may katamtamang pangangatawan dahil na rin sa mga ninunong tinatawag na Australopithecus. Nakatira sila sa kubo at nagsasalita ng iba't ibang lenggwahe ngunit nasolusyunan naman dahil sa pagkakatuto sa wikang kung tawagin nila ay Tagalog na ngayo'y kinikila sa wikang Filipino. Maraming bansa na ang sumakop rito at nagkaroon ito ng implikasyon sa paghubog sa mga Pilipino. Halu-halo ang kulturang namayani sa bansa kung kaya't sabi ng ilan ay nawala na ang sarili nating pagkatao. Dahil na rin sa iba't ibang kultura kaya nga nauso ang conyo, Taglish, colonial mentality, Tsinoy at kung anu-ano pa. Ngunit, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Nakabase lamang ba ito sa kung gaano mo kamemorya ang Lupang Hinirang; kung paano mo kasaulo ang Ako ay Pilipino; kung gaano mo kaalam ang kasaysayan nito; at kung gaano mo kaidolo si Jose Rizal? Uumpisahan natin ito sa mga pag-uugaling taglay ng mga taong tinatawag na Pilipino. Pilipino o Pinoy ang mga taong kilala bilang masayahin. Ano mang problema ang dumaan sa kanyang buhay, hindi mo maalis ang ngiti sa mga labi. Hindi man napakaunlad ng bansa, lagi pa rin tayong nakangiti at positibo, mga bagay na minsa’y mabuti at nakasasama. Ito na rin ang dahilan ng konsepto ng "bahala na", isang 'di kaaya-ayang ugali ng Pinoy. "Bahala na" kung ano man ang mangyari, wala mang kasiguraduhan ang lahat, tiyak kayang-kaya nilang lampasan at ngitian iyan, gaano man kasaklap ang mangyari. Laging huli sa oras ang mga Pinoy. Alas-kwatro ang usapan ngunit alas-singko darating. Pilipino time kung ito ay tawagin na nagsasabing tila'y wala tayong pagpapahalaga sa oras. Kaya laging nahuhuli, walang progresyon, nahuhuling umunlad. Pilipino ka rin kung ikaw ay tumuturo gamit ang iyong nguso at bumabati sa kakilala gamit ang kilay na sabay mong itataas. Nakagawian na ito sa hindi ko malamang dahilan. Inisip ko rating pagkonektahin ang mga ugaling ito sa isa pang 'di kanais-nais na ugali ng Pinoy, ang katamaran: katamaran sa pagtataas ng kamay at pagsasabi ng "hi" sa mga kaibigan. Mahalaga rin sa mga Pilipino ang kapwa. Sabi nga, hindi ka mabubuhay ng nag-iisa. Wala itong direktang translasyon sa Ingles at ‘di hamak na mas mabigat ang kahulugan nito para sa atin. Sa kapwa natin tayo hihingi ng tulong, makikisalamuha, makikisama, mangungutang ng pera, makikipag-away, makikipagkaibigan at marami pang iba. Sa kanila rin natin matutunan kung paano mahiya at tumanaw ng utang na loob na ilan lamang sa mga ugaling kilala ang Pinoy. Kung may konsepto kapwa, mayroon ding pakikipagkapwa-tao. Sa Pilipinas lang makikita ang kaugaliang iyan kung saan tutulong ka sa kapwa mo at pakikisamahan mo sila ng maayos para naman ganoon rin sila sa inyo. Tutulungan at dadamayan mo sila sa oras ng kagipitan, kilala mo man o hindi. Dito rin magmumula ang tinatawag na bayanihan o ang pagtutulungan nang walang hinihintay na kapalit. Dahil may malaking parte sa isang Pinoy ang kanyang kapwa, magkakaroon siya ng hiya. Ayaw niyang magkaroon ng pangit na imahe at ayaw niyang madusta ng iba. Pahahalagahan niya ang kanyang pangalan nang sa gayoon ay may mukha siyang maiharap sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kapag wala kang hiya, manhid ka. Kilala rin tayo sa kagalingan nating makisama. Tayo ang kusang mag-a-adjust sa iba’t ibang ugali ng mga tao. Dagdagan pa ng pagkakaroon ng utang na loob kung saan susuklian mo ang ginawang kabutihan ng iba, kaya’t tinatangkilik at gusto tayo ng mga dayuhan. Tayo rin ay mapagmahal sa pamilya. Mas pipiliin pa nating tumira sa bahay ng ating magulang kahit na tayo ay may sarili nang pamilya na tinatawag na extended family. Sabi pa ng iba: mas marami;mas masaya. Marami pa tayong ugaling mabubuti, ganoon rin ang masasama na hindi ko na maiisa-isa pa. Magkaganoon man, ito ang isa sa dahilan kung bakit tayo nagiging isang Pilipino, sa dugo man o sa papel. Ang kahulugan ng pagiging Pilipino: pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pamilya, kapwa Diyos at bansa. Marami tayong mga ugali, nabanggit ko man o hindi, na nakaaaapekto sa mga pinahahalagahan nating iyan. Kung hindi natin makikilala ang mga ugaling ito, hindi rin natin lubos na mauunawaan ang kahulugan ng pagka-Pilipino. Ang pagiging Pilipino ay nasasalamin sa ating mga ugali, ginagawa at pagpapahalaga. Iba’t iba man ang mga kultura, paniniwala at kaugalian na sumaplot sa bansa, mahalaga pa rin na ipagmalaki natin ito at ipagpayabong. Sa pagiging Pilipino, tatangkilikin mo ang sarili iyo at hindi mo ito ikahihiya, isinasapuso mo ang bawat linya sa pambansang awit at mga tulang Ako ay Pilipino at Pilipinas Kong Mahal. Ginagamit ang sariling wika. Pinayayabong ang magagandang ugali at tuluyan nang titigilan ang ugaling masasama. Ang pagiging Pilipino ay pagyakap sa katotohanang ikaw ay isang Pilipino, “sa isip, sa salita, at sa gawa”.

mga katangian nang pagiging pilipino

Mga Katangian ng Pilipino Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Ang mga sumusunod ay deskripsyon kung paano at kailan nila ipinakikita ang mga katangian na ito: Pagtitiwala sa Panginoon Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili. Pagiging Magalang Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang. Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda. Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at "Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa. Pagtutulungan Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino. Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar. larawan mula sa: www.cag.lcs.mit.edu/ bayanihan/bayanfnl.jpg Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin. Pagsama-sama ng Pamilya Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama. Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino. Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.